holiday sa lansangan
Sunday, December 7, 2008Dec 7, 2008, nagkaron ng instant holiday ang lansangan kahit ramdam na ramdam na ang christmas rush…..at eto’y sa kadahilang big fight day eto ng ating pambansang kamao Manny “Pacman” Pacquiao kay Golden Boy Oscar de la Hoya.
Ang sarap magbyahe, holiday sa mga lansangan gaya ng Edsa, Commonwealth at iba pang major roads. Bata, matanda, babae, lalaki, walang pinipili kung sino ang mga manonood sa laban. Lahat gustong makita at magbigay suporta sa kababayan nating si Manny. Tila tumigil ng ilang oras ang mundo ng mga taong abala at laging nasa lansangan. Cancel ang ilang lakad (well hanggang matapos ang laban at malaman na kung sino ang panalo).
Hay kung pwede lang sana na laging may laban si Manny ng laging maaliwalas ang mga lansangan natin….hahaha.
Aneweis, isang horraah para kay Manny. Nadagdagan na naman yaman mo tsong!!!!
Previous Comments
Add a comment



True! Lalabas nga sana ako ng 2PM, sus, wala akong masakyan! Right after the fight, aba, umingay uli ang kalsada!
Posted by sharon at December 19, 2008, 6:17 pm