"alam mo ba" trivia ng MRT (Part 1)
Sunday, March 22, 2009Sa mga gaya kong araw araw sumasakay ng MRT, pamilyar na ang “alam mo ba” trivia played during the trip. Pero para sa mga di kelangan mag MRT pra makarating sa opisina o ibang destinasyon at mga kababayang nasa abroad, heto ang ilan sa mga trivia fact na madalas kong marinig sa MRT. I will try na isulat sya as close sa kung pano sinabi ang trivia.
- Alam nyo ba na bago pagkaguluhan ng mga kalalakihan ang FHM ay nauna nang sumikat ang PLAYBOY Magazine nong 1950’s. Pero alam nyo ba kung sino ang unang pinay na nag pose sa naturang magasin? Naging kontrobersyal at mapangahas ang pagpose ng hubot hubad ni Techie Agbayani para sa German edition ng Playboy Magazine, pero hindi si Techie Agbayani kundi si MARISSA DELGADO ang kauna-unahang pinay na magpose sa US Edition ng Playboy magasin noong 1965.
- Alam mo ba na ang brgy. hall ng MAYSAN, Valensuela City ang pinaka malaking brgy hall sa Pilipinas? Binubuo eto ng 3 palapag at nakatayo sa 926 sq. meter na lote na nagkakahalaga ng 27 milyon pesos at itinuturing na pinaka malaking brgy hall sa pilipinas
Add a comment


